Home METRO Halos 2,000 gagamba nasabat sa General Santos Airport

Halos 2,000 gagamba nasabat sa General Santos Airport

296
0

GENERAL SANTOS, Philippines – Naharang ng mga awtoridad ang isang shipment ng halos 2,000 wild spiders sa isang air cargo facility ng General Santos International Airport noong Biyernes ng hapon, Agosto 22.

Nadiskubre ang mga ito bandang alas-3:10 ng hapon, sa isinagawang joint inspection ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 12, Philippine National Police Aviation Security Group (AVSEGROUP), at airport security screeners.

Natagpuan ng mga opisyal ang kabuuang 1,902 wild spider sa loob ng outbound cargo box patungong Iloilo.

Ang mga gagamba ay inilagay sa mga resealable plastic sachet at nakita ng mga x-ray scanner ng airport.

Agad na kinumpiska ang mga ito sa ilalim ng Republic Act 9147, o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Ang mga gagamba ay nai-turn over na sa DENR para sa tamang paghawak at disposisyon.

Hindi pa matukoy ng mga imbestigador ng pulisya kung sino ang nagpadala at tumanggap ng kargamento. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here