Home NATIONWIDE Korapsyon, pang-aabuso sa kapangyarihan sumisira sa lipunan ‘di dapat balewalain – PBBM

Korapsyon, pang-aabuso sa kapangyarihan sumisira sa lipunan ‘di dapat balewalain – PBBM

408
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na dapat palakasin ang laban ng bansa kontra korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan para protektahan ang kinabukasan ng bansa, habang pinaiigting ng kanyang administrasyon ang paglansag sa maanomalyang flood control projects.

Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa paggunita ng National Heroes’ Day ngayong taon, sinabi ng Chief Executive na dapat na hindi lamang nakatuon ang pansin ng bansa sa pagpapalakas ng defense mechanisms para protektahan ang bansa.

“May ilan sa atin na mas pinipili ang sariling interes at kapakanan kaysa sa bayan at sa kapwa Pilipino. Kasabay ng paglipas ng panahon ay ang pagsibol ng mga bagong hamon na kailangan nating harapin,” ayon sa Pangulo.

“Hindi lang pagpapalakas ng ating depensa ang kailangan nating tutukan upang maalagaan ang ating kalayaan. Kailangan din natin labanan ang banta ng katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan ng ating lipunan,” dagdag na wika nito.

Tinuran ng Pangulo na ang mga sangkot sa korapsyon ay hindi lamang nagnanakaw ng pera ng bansa kundi ng kalusugan, pangarap aht kinabukasam ng susunod na henerasyon.

“Kaya’t hindi natin dapat ipagwalang bahala ang maliliit na panlilinlang sapagkat kung paulit-ulit na ito’y pinapalampas natin, unti-unti nitong sinisira ang ating lipunan nang hindi natin namamalayan, May pananagutan tayo sa ating bansa na maging mas mapanuri sa mga mali; na isiwalat ang mga panloloko at manindigan sa alam natin na tama kahit hindi ito madali,” aniya pa rin.

Ipinahayag ito ng Pangulo habang pinag-aaralan at tinitingnan ng administrasyon ang posibleng korapsyon sa flood mitigation projects sa bansa, kung saan may ilang imprastraktura ang inabandona o hindi man lang itinayo.

Sa kabilang dako, sa naging pagbisita ng Pangulo sa Tuba, Benguet, araw ng Linggo, inilarawan nito ang rock shed at rock netting projects doon na “useless” o overpriced, dahil nabigo nitong protektahan ang mga residente mula sa bumabagsak na bato o debris sa kasagsagan ng malakas na ulan noong nakaraang buwan. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here