Home ENTERTAINMENT Jowa ni Mommy D, nagbitaw ng mabigat na pangako!

Jowa ni Mommy D, nagbitaw ng mabigat na pangako!

281
0

Manila, Philippines- Natanong ang magdyowang Mommy Dionisia Pacquiao at Mike Yamson hinggil sa estado ng kanilang relasyon.

Ayon kay Mommy Dionisia, marami raw ang nagpapalipad-hangin o nagpaparamdam sa kanya noon.

Gayunpaman, hindi raw niya pinapansin ang mga ito noong una.

Ang dyowa raw niyang si Mike ang masigasig noon sa panliligaw sa kanya.

Noong makilala raw niya si Mike, may iniabot pa raw itong papel sa kanya kung saan nandoon ang kontak number nito.

Sa pagpupursige raw nito ay doon na sila nagka-developan.

Sa vlog naman ni Bernadette Sembrano, natanong ang dalawa kung may plano na ba silang magpakasal.

Walang kagatul-gatol namang sinagot ni Mike ng, “oo” ang broadcast-journalist.

Sinegundahan naman ito ng ina ng Pambansang Kamao.

“May plano naman, e. Mayro’n na ring wedding ring,” sey ni Mommy D.

Hirit pa ng ina ni Pacman, nangako diumano si Michael sa kanya na kamatayan lang umano ang makakapaghiwalay sa kanilang dalawa.

“Sinabi niya sa akin, ‘Patunayan ko sa ‘yo kamatayan lang hiwalayan natin. Sinuman ang mauna sa atin, kamatayan lang makapaghihiwalay sa atin,” ani Mommy Dionisia.

Humigit sampung taon nang nagsasama sina Mommy Dionisia at Michael.

Sa kabila naman ng mga kontrobersya hinggil sa agwat ng kanilang mga edad at sa panghuhusga ng mga kumukuwestiyon sa kanilang relasyon, keber lang ang dalawa sa isyu. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here