Home ENTERTAINMENT SB19 at Francis Libiran, may collab?

SB19 at Francis Libiran, may collab?

280
0

Manila, Philippines- Napansin ng mga eagle-eyed netizens ang pagkaka-tag ng world-renowned designer na si Francis Libiran sa isang post sa IG ng 1Z ENTERTAINMENT, ang management ng SB 19.

Lumabas din ang video interview ng “architect of fashion” sa isang news channel kung saan sinabi nga na may makaka-collaborate siyang Ppop group na rarampa sa Araneta Coliseum.

Hindi ito ang first time time na makatrabaho ni Francis ang grupo.

Sa kauna-unahan nilang pagrampa sa Asia Artist Wards noong 2023 ay mga disenyo ni Francis ang all-white ensemble nila.

Ang ilang works rin ng celebrity designer ay tampok sa Simula at Wakas World Tour Kickoff ng SB19.

Mapapaisip ka tuloy kung full-blown concert and fashion show ba ito dahil marami-rami na rin namang nabihisang singers si Francis gaya nitong nakaraan lang na opening ensemble nina Regine Velasquez and Vice Ganda sa Super Divas Concert nila na nag-trending dahil ito ang suot nila sa “Jet2Holidays” segment.

Kung sakali, sino-sinong artists ang gusto n’yong makasama nina Francis at ng SB19 sa Araneta Coliseum? Trixie Dauz

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here