Nagbayanihan ang mahigit isang libong kabataang mag-aaral sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija kasabay ng paggunita sa Araw ng mga Bayani.
Karamihan sa mga kabataan ay mga mag-aaral sa senior high school mula sa iba’t ibang paaralan sa pribado at pampubliko sa Jaen.
Ang programa ay bahagi ng Jaen Youth Day 2025, kungsaan inilunsad din ang “BayaniJaen” o pinagsamahang salita mula sa bayan ng Jaen, bayanihan at Bayaning Jaen, kungsaan ang mga kabataan ay sama-samang naglinis ng kapaligiran, nagpintura sa tulay, mga eskuwelahan at munisipyo. Nagtanim din sila ng mga puno o fruit berring trees at sumailalim sa youth collaborative discussion.
Ayon kay Mayor Sylvester C. Austria, itinapat ang event sa Buwan ng Kabataan kung saan hinuhubog ang mga kabataan na maging bayani sa sariling paraan.
Bukod sa nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan, maraming natutunan ang mga kabataan sa isinagawang Youth Collaborative Discussion gaya ng pag-iwas sa masasamang bisyo tulad ng iligal na droga at iligal na sugal.”
Malaking tulong sa mga kabataan na maituon ang kanilang mga isip at oras sa mga kapaki- pakinabang na mga gawain,” anang alkalde. MARINA BERNARDINO-SY







