INILABAS ng Department of Budget and Management (DBM) ang 2024 Budget ng Bayan Monitor Agency Performance Review na nag-ulat ng kalagayan ng paggastos ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Sa kabuuang 308 ahensiyang sinuri, 95 porsyento ang nakakuha ng outstanding, very satisfactory o satisfactory rating.
Labing-apat na ahensiya naman ang nakapagtala ng perpektong marka kabilang na ang:
– Civil Service Commission (CSC);
– Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB);
– National Labor Relations Commission (NLRC);
– National Wages and Productivity Commission (NPWC);
– Public Attorney’s Office (PAO);
– Games and Amusement Board (GAB);
– National Intelligence Coordinating Agency (NICA);
– Foreign Service Institute;
– News and Information Bureau;
– Philippine Information Agency (PIA);
– Biliran Province State University;
– Cagayan State University;
– Davao del Sur State College, at
– President Ramon Magsaysay State University
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, posibleng madagdagan ang pondo ng mga ahensiyang nagpakita ng mahusay na paggastos. “I hope that this translates to meaningful improvements in public service delivery,” aniya.
Pero may 17 ahensiya na nakapagtala ng unsatisfactory o poor performance, batay sa pagsusuri ng DBM. Ayon sa kalihim ay nakatakdang ipatawag ang mga naturang ahensiya upang magpaliwanag at magsumite ng catch-up plans para sa kanilang procurement at spending.
Batay sa Agency Performance Review ng DBM, ang mga ahensiyang may unsatisfactory o poor rating ay hindi pa pinangalanan sa ulat, ngunit inaasahang kabilang dito ang ilang national agencies at state universities na mabagal sa paggastos ng kanilang alokasyon. Kadalasang dahilan ng bagsak na grado ay:
– Mabagal na procurement process;
– Hindi akmang pagpaplano ng proyekto;
– Kakulangan ng maayos na monitoring at reporting; at
– Hindi natatapos ang mga programang nakalaan sa itinakdang panahon
Ang DBM ay maglalatag ng mas istriktong gabay at makikipagpulong sa mga nasabing ahensya upang matiyak na magamit nang tama ang pondo ng bayan at mapabilis ang implementasyon ng mga proyekto.
Dapat tiyakin ng DBM na walang katiwalian at ghost projects bago maglabas ng panibagong pondo sa mga ahenisya.






