MANILA, Philippines – Suspendido ang operasyon ng Pasig River Ferry ngayong Martes, Agosto 26, 2025 ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ito ay dahil sa inaasahang masamang panahon.
Nauna nang sinuspinde ng Department of Interior and Local Government ang pasok sa mga paaralan at trabaho ng gobyerno sa Metro Manila at iba pang probinsya ngayong araw. RNT/JGC