Home NATIONWIDE PNP General Hospital balik-operasyon na kasunod ng sunog

PNP General Hospital balik-operasyon na kasunod ng sunog

312
0

MANILA, Philippines – Balik na sa normal na operasyon ang Philippine National Police-General Hospital (PNPGH) kasunod ng sunog na naganap sa isang bahagi nito, sa loob ng National Headquarters sa Camp Crame sa Quezon City.

Sa report mula sa PNP Base Fire Section (PNP BFS), naganap ang sunog sa hospital compound na matatagpuan sa pagitan ng Specialty Ward at Neonatal Intensive Care Unit bandang 10:20 ng gabi nitong Linggo, Agosto 24.

Ayon kay Capt. Carlo Jayson Turqueza ng PNP Health Service, lumaki ang sunog mula sa inakala lamang nilang isang pagsabog.

Agad naman na rumesponde ang mga tauhan mula sa Base Fire Section Emergency Team, sa tulong ng Bureau of Fire Protection – Quezon City Fire Department.

Tuluyang naapula ang sunog matapos ang halos isang oras.

Wala namang naitalang nasawi o nasaktan sa sunog.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng sunog at ang tinatayang halaga ng pinsala sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here