Home NATIONWIDE Public health emergency idineklara sa pagkaubos ng mga gamot sa Botswana

Public health emergency idineklara sa pagkaubos ng mga gamot sa Botswana

348
0

BOTSWANA – Idineklara ni Botswana President Duma Boko ang public health emergency nitong Lunes, Agosto 25 sa pagsasabing pumalya na ang national medical supply chain at nagkakaubusan na ng mga gamot at mahahalagang stock sa mga ospital at clinic.

Ani Boko, pangangasiwaan ng militar ang emergency distribution drive at ang mga unang trak ay aalis sa capital na Gaborone patungo sa mga remote area.

Nauna nang ibinabala ng health ministry noong Agosto na paubos na ang suplay ng mga gamot at iba pang kagamitan dahil sa hindi tinukoy na financial challenges, dahilan para suspendihin ang lahat ng non-urgent surgery.

“The medical supply chain as run by central medical stores has failed,” pahayag ni Boko sa isang televised address.

“This failure has led to a severe disruption to health supplies countrywide.”

Inaprubahan ng finance ministry ang 250 million pula ($17.35 million) sa emergency funding para sa pagbili ng mga gamot.

Ngayong taon ay nagigipit na sa badyet ang Botswana dahil sa pagbagsak ng global diamond market kung saan leading producer nito ang naturang bansa.

Pinutol din ng administrasyon ni U.S. President Donald Trump ang suporta ng US sa health sector ng Botswana. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here