Home NATIONWIDE Mangingisdang tatlong araw nang nawawala natagpuan ng PCG sa Bajo de Masinloc

Mangingisdang tatlong araw nang nawawala natagpuan ng PCG sa Bajo de Masinloc

234
0

MANILA, Philippines – Natagpuan na ang isang mangingisda na nawawala ng tatlong araw, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa isang pahayag, sinabi ng PCG na ang BRP Cape San Agustin (MRRV-4408) ay nagsagawa ng search and rescue operations nitong Lunes, Agosto 25 para sa nawawalang mangingisda na sakay ng fishing boat FFB SAIDER sa bisinidad baybayin ng Bajo de Masinloc sa Zambales.

“MRRV-4408 continued its search and rescue operations in the coordinated area when the fishing banca FFB CHIEF IVER reported via radio communication that the missing fisherman had been found,” sabi ng Coast Guard.

Agad na dineploy ang MRRV-4408 sa lugar kung saan natagpuan ang mangingisda na si Roberto Albior, 53, mula Calapandayan, Subic, Zambales.

Pinasalamatan ng BRP Cape San Agustin si Jessie Aquilles sa kanyang tulong sa pag-uulat sa nawawalang mangingisda.

Noong Agosto 22, nahiwalay si Albior sa 12 pa niyang kasamahan matapos ang malakas na hangin at malaking alon dulot ng Tropical Depression Isang na humampas sa fishing boat habang naglalayag sa bahagi ng Bajo de Masinloc.

Naihatid na ng Coast Guard Station (CGS) Zambales at BRP Cape San Agustin ang 12 mangingisda pabalik sa Subic, Zambales.

Ang patrol vessel ay nagbigay ng tulong medikal at pagkain kay Albior habang inihahatid siya pabalik ng Subic ayon sa PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here