Home METRO Dalawang gate ng Magat Dam, nagpakawala ng tubig -PAGASA

Dalawang gate ng Magat Dam, nagpakawala ng tubig -PAGASA

270
0

ISABELA, Philippines – Sa gitna ng mga pag-ulan na dala ng low pressure area (LPA) at habagat, dalawang gate ng Magat Dam ang binuksan nitong Martes ng umaga para magpalabas ng tubig, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa hydrological situationer, sinabi ng PAGASA na ang dalawang gate ay naglabas ng kabuuang 849.72 cubic meters per second (cms) ng tubig noong 8 a.m.

Samantala, naitala naman ang lebel ng tubig sa 187.54 metro.

Nagbabala ang PAGASA sa mga lugar na posibleng maapektuhan tulad ng Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian, at Gamu sa Isabela, Alfonso, Lista sa Ifugao.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na ang LPA sa Eastern Samar ay inaasahang magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa malaking bahagi ng bansa sa loob ng susunod na 24 oras.

Inanunsyo na rin ng Department of Interior and Local Government ang pagsususpinde ng mga klase at trabaho ng gobyerno sa ilang lugar. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here