Manila, Philippines- Tsismis na ‘di mamatay-matay.
Ganito kung ilarawan ni Cristy Fermin ang matagal nang umiikot na tsikang hiwalay na ang mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay.
Ayon sa veteran showbiz writer, biktima ng fake news ang celebrity couple.
Ang itinuturong culprit ay ang mga vlogger na walang magawa kundi magkalat ng mga balitang peke para pagkakitaan.
“Mema” nga kung bansagan ni Cristy ang mga ito to mean “me masabi o me maibalita” lang.
Kasabay nito ay ipinagtanggol ni Cristy ang mag-asawa in handling their marriage.
Napakahusay daw kasing magdala ng relasyon ni Derek, samantalang masunurin naman daw si Ellen.
“Nag-check in lang mag-isa sa hotel si Ellen, hiwalay na? May post lang si Derek ng, ‘Kapag yakap kita (referring to their daughter Lily), tumitigil ang mundo ko,’ split na?
“Hindi ‘yan totoo!” paninindigan ni Cristy.
Samantala, getting to the bottom of it all ay napag-alamang sumablay sa isang bagay si Derek na ikinainis ni Ellen.