Manila, Philippines- Unang beses pa lang naging judge si Kiray Celis sa beauty pageant pero kinabog niya pati ang mga kandidata!
Umupo bilang hurado ang Kapuso comedienne sa katatapos lang na Miss Grand Philippines.
Tatlong beses ang naging stage exposure ni Kiray dahil major sponsor ang kumpanya niya ng skin care at health supplement.
May kanya-kanyang title ang bawat produktong ‘yon.
Minsan nang sinabi ni Kiray na katuwang niya ang kanyang nobyo sa pagtatag ng kumpanyang ‘yon.
Bukod sa showbiz work, aktibo rin si Kiray sa online live selling na patok na patok.
Samantala, kamakailan ay nabalitang engaged na ang komedyana to her boyfriend of five years.
Sa isang beach resort naganap ang pagpo-propose ng nobyo na sinaksihan ng kani-kanilang pamilya.
Samantala, si Emma Mary Tiglao na mula sa Pampanga ang kinoronahan ng gabing ‘yon na kinatawan ng bansa sa Miss Grand International sa October 18 sa Bangkok, Thailand.
The oldest among the candidates at 30, beterana na si Tiglao who’s getting the flak for being a diehard Duterte supporter. Ronnie Carrasco III