DAVAO DEL SUR, Philippines – Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang indibidwal na sangkot sa pagbibiyahe ng umano’y ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng P3.3 milyon na natagpuan sa Davao del Sur noong Lunes.
Ayon sa CIDG, ang mga suspek ay nahuli sa gitna ng pagdadala ng tobacco products na walang health warning labels.
Nasamsam ng mga awtoridad ang 128 master cases ng Cannon, Greenhills, at Bravo tobacco products; isang Isuzu van, at isang cellphone.
Kinilala ng CIDG ang mga suspek sa alyas “Arner” at “Ramer.”
Kakasuhan ang dalawang suspek ng paglabag sa Graphic Health Warning Law sa harap ng National Prosecution Service, iniulat ng CIDG.
“I commend the CIDG Regional Field Unit 11 for their swift and responsive police service that resulted in the confiscation of these illicit cigarettes, and the arrest of the violators of the law,” ani CIDG director Brig. Gen. Christopher Abrahano. RNT/MND