Home METRO Isang pamilya, nasawi sa aksidente sa Pangasinan

Isang pamilya, nasawi sa aksidente sa Pangasinan

285
0

PANGASINAN, Philippines – Patay ang mag-asawa at kanilang dalawang anak na menor de edad matapos bumangga ang kanilang kulong-kulong (motorsiklo na may sidecar) sa kasalubong na van sa national highway sa Infanta, Pangasinan.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Allan Henry Sanchez, ang nagmamaneho ng kulong-kulong; ang kanyang asawa na si Crisanta Sanchez; at kanilang dalawang menor de edad na anak, mga residente ng Barangay Nayom, Infanta.

Batay sa imbestigasyon, bandang 2:30 p.m. nitong Lunes, sumabit umano sa sanga ng puno sa gilid ng kalsada ang kulong-kulong na naging sanhi para mawalan ng kontrol ang driver at bumangga sa kasalubong na Hyundai van na minamaneho ni Christian Bernardez.

Dahil sa lakas ng banggaan, nagtamo ng matitinding pinsala ang mga biktima. Isinugod sila sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Bernardez para sa tamang disposisyon. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here