Manila, Philippines- Totoo nga ba ang natisod namin na isang Best Actress award pa ay makaka-grand slam na si Marian Rivera?
So far, nakatatlong sunod na Best Actress trophies ang Kapuso actress.
Buena mano ang sa Cinemalaya Festival for her performance as Teacher Emy in the indie film Balota.
Nasundan ito ng parangal mula sa Eddy’s ng mga bumubuo ng SPEEd nito lang.
Bale ang ikatlo’y mula sa 73rd Famas.
Other award-giving bodies like Star Awards for Movies, Luna Awards by the Film Academy of the Philippines and Urian have yet to announce kung kailan ang kanilang awarding ceremonies.
So far, dalawang aktres pa lang ang nagkakaroon ng grand slam: sina Vilma Santos at Lorna Tolentino.
Ma-duplicate kaya ni Marian ang feat nila considering na mahuhusay din ang iba niyang co-nominees?
Sey ng isang showbiz insider, kung sa Urian daw ay mukhang alanganin dahil kilalang “unconventional” ang grupong binubuo ng mga film critics.
Consistently, ang pinapanalo ng Urian ay “unpopular,” and if this is the premise–no offense meant to Marian and her fans/supporters–Marian isn’t a shoo-in. Ronnie Carrasco III