Home NATIONWIDE Wala pa ring DNA match sa 163 specimen na sinuri sa kaso...

Wala pa ring DNA match sa 163 specimen na sinuri sa kaso ng missing sabungeros

331
0

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 401 piraso ng human skeletal remains ang narekober mula sa Taal Lake, bilang bahagi ng imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ayon sa Department of Justice nitong Miyerkules, Agosto 27, tanging 163 piraso o hindi pa umabot sa kalahati ng narekober na specimen, ang magagamit para sa forensic examination at wala pa sa mga ito ang nag-match sa DNA samples na kinuha mula sa mga kaanak ng mga nawawalang sabungero.

Sa datos mula sa Philippine National Police Forensic Group, nagbigay ng update si Justice Assistant Secretary Eliseo Cruz sa kaso sa pagdinig ng House committee on human rights.

“From July 10 up to present, based on the records of the PNP Forensic Group, 401 pieces of human skeletal remains have been recovered from 17 different locations by the Philippine Coast Guard,” pagbabahagi ni Cruz.

“The recovered sacks containing the human skeletal remains are usually tied to or attached to sacks of sand that served as sinkers. Each sinker sandbag is of the size [of a] 25-kilogram rice sack,” dagdag pa niya.

Sa kaparehong pagdinig, sinabi ni PNP Forensic Group director Brig. Gen. Danilo Bacas na 163 piraso ang sumailalim sa cross-matching examination sa mga DNA sample na nakolekta sa 29 kaanak ng mga nawawalang sabungero.

Ang nalalabing bilang ng mga buto ay hindi na magagamit dahil sa hindi na magandang kondisyon ng mga ito.

“None so far,” sagot ng PNP official sa tanong kung may tumugma sa DNA samples. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here