Home NATIONWIDE P1.4M illegal na droga, nasabat sa PR01

P1.4M illegal na droga, nasabat sa PR01

201
0

URDANETA CITY, Pangasinan – Umaabot sa P1.4 milyon halaga ng illegal na droga ang nasabat sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Police Regional Office 1 (PRO1) mula sa ibat-ibang him pinangunahan ng pulisya sa nasabing rehiyon.

Ayon kay PBGen. Dando Reyes, Regional Director ng PR01, nagresulta sa pagkakasamsam ng mahigit P1.4 milyong halaga ng iligal na droga at pagkakaaresto sa 149 na indibidwal sa tatlong araw na operasyon.

Dahil dito, naglalayong paigtingin ang kampanya laban sa illegal drugs at kriminalidad sa buong Rehiyon I.

Sa loob ng tatlong araw, matagumpay din na naaresto ng PRO1 ang 68 na itinuturing na wanted persons sa iba’t ibang kasong kriminal.

Pinalakas din ang operasyon laban sa mga ilegal na baril o loose firearms, kung saan 11 katao ang naaresto. Sa kabuuan, 152 na baril ang naitala ng PRO1: 10 ang nakumpiska, 134 ang boluntaryong isinuko o nabawi, at 18 ang idineposito para sa pansamantalang pangangalaga (safekeeping).

“Mananatiling katuwang ng publiko ang PRO1 sa pagpapanatili ng kaayusan. Hindi kami hihinto sa pagsunod ng aming sinumpaang tungkulin na magbigay-proteksyon at magpatupad ng batas para sa kapakanan ng bawat isa,” pahayag ni PBGen. Reyes.

Kaugnay nito, sinisikap umano ng kapulisan na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here