Home IN PHOTOS Pagdinig sa Bagong Anti-Espionage Act pinangunahan ni Estrada

Pagdinig sa Bagong Anti-Espionage Act pinangunahan ni Estrada

278
0
Pinamunuan ni Senate President Pro Tempore and Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation Chairman Jinggoy Estrada ang pagdinig sa deliberasyon para sa iminungkahing Bagong Anti-Espionage Act. CESAR MORALES

Pinamunuan ni Senate President Pro Tempore and Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation Chairman Jinggoy Estrada ang pagdinig sa deliberasyon para sa iminungkahing Bagong Anti-Espionage Act.

Tinalakay ni Estrada ang panukalang batas na naglalayong i-update ang dekada nang Commonwealth Act No. 616, na kilala rin bilang An Act to Punish Espionage and Other Offenses Against National Security, na ipinatupad noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sinabi niya na itinutulak ng Senado na gawing moderno ang luma nang batas dahil sa maraming at nakakabahalang insidente ng mga dayuhan na diumano’y nagsasagawa ng espiyahe sa Pilipinas gamit ang mga makabagong teknolohiya.

“Hindi maikakaila na narito ang mga espiya, kaaway ng estado, at mga elementong mapanira, at nakapasok na sila sa ating lipunan. Kaya naman, kailangan nating i-upgrade at palakasin ang ating kakayahang seguruhin ang ating lupain at ang ating mga mamamayan, simula sa pinahusay na legal na balangkas at na-update na patakaran,” sabi ni Estrada. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here