ZAMBOANGA DEL NORTE- ARESTADO ang isang konsehal matapos makuhanan ng mga baril at bala sa loob ng bahay nito sa isinagawang search warrant ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), noong Martes sa bayan ng Tampilisan.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag RA 10591 o paglabag sa Comprehensive Law and Firearms Ammunition Act si Tampilisan Councilor Julius Bomediano ng Barangay Poblacion.
Nakuha sa suspek ang dalawang baril at mga bala.
Si Bomediano ay dati na rin nagsilbi bilang alkalde ng nasabing bayan. Mary Anne Sapico