MANILA, Philippines – Pinangunahan ni DOH Secretary Ted Herbosa sa pakikipagtulongan ng Asian Development Bank (ADB), Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), at Philippine Business for Social Progress (PBSP) ang pagsasagawa ng kauna-unahang National Universal Health Care (UHC) Summit.
Upang sama-samang palakasin at pabilisin ang pagpapatupad ng UHC sa buong Pilipinas– kasama ng mga LGU at ibat-ibang ahensya ng pamahalaan, health professionals, development partners at civil society organizations.
Sa pamamagitan ng whole-of-government at whole-of-society approach, mas mapapabilis ang pag-abot sa layuning magkaroon ng mas inklusibo, matatag, at people-centered na health system na tunay na tumutugon sa pangangailangan ng bawat Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden