Home NATIONWIDE Lifestyle check, dapat simulan ni PBBM – Hontiveros

Lifestyle check, dapat simulan ni PBBM – Hontiveros

182
0

MANILA, Philippines – Naniniwala si Senator Risa Hontiveros na mainam kung mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang magiging ehemplo sa utos niyang isailalim sa lifestyle check ang mga opisyal ng gobyerno sa gitna ng flood control probe.

Ayon sa senadora, maaari itong simulan ng pangulo sa pamamagitan ng pagsasapubliko sa kanyang Statements of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) pati na ng kanyang pamilya.

“Hindi dapat [mahirap kumuha ng SALN]. Ang SALN ay kinilalang public document at covered ng prinsipyo ng freedom of information,” saad niya sa pagpupulong sa Kapihan sa Senado. CESAR MORALES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here