Home METRO Restobar owner, sugatan sa resbak ng dating empleyado

Restobar owner, sugatan sa resbak ng dating empleyado

217
0

PANGASINAN, Philippines – Sugatan ang 42-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa Brgy. Sta Maria, San Jacinto ng lalawigang ito kahapon, Agosto 28.

Sa ulat na ipinadala ng San Jacinto Municipal Police Station sa Police Regional Office (PRO) 1, ang biktima ay isang restobar owner, residente ng Manaoag, Pangasinan.

Bandang alas-4:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa sa harap ng ROM-MAE Restobar.

Nakatayo ang biktima sa harap ng restobar nang pagbabarilin ng gunman na nakasakay sa isang motorsiklo na minamaneho ng kasama nitong lalaki.

Base sa ulat, ang gunman ay dati umanong empleyado ng biktima samantalang patuloy na tinutukoy ng mga awtoridad kung sino ang kasama nitong lalaki.

Matapos na pagbabarilin ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here