MANILA, Philippines – Pinagkokomento ng Korte Suprema ang Commission on Elections (Comelec) hinggil sa petisyon kaugnay sa pagsasagawa ng ‘manual recount’ ng mga boto.
Layon ng petitioner na Partido ng Demokratiko Pilipino lakas ng Bayan o PDP-LABAN na manu-manon ipabilang muli ito sa komisyon lalo sa ‘senatorial votes’
Diin ng mga petitioner, naniniwala sila na nagkaroon ng dayaan o iregularidad sa naganap na midterm elections noong May 9, 2025.
Sa ibinahaging dokumento ni Atty. Israelito Torreon, nag-isyu ng notice ang Korte Suprema upang magkomento ang Comelec hinggil dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden