Home ENTERTAINMENT Tali, pinalabas na anak nina Bossing at Pokwang!

Tali, pinalabas na anak nina Bossing at Pokwang!

267
0

Manila, Philippines- Fake news!

Ito ang mariing panunupalpal ni Pokwang sa kumakalat na tsika sa Thread sa Facebook tungkol sa mag-asawang Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, kung saan damay ang anak na si Tali.

Ni-repost ng buwisit na buwisit na si Pokwang ang kunwari’y sa kanya galing.

Isang poser kasi ang nag-post ng: “Ma’am Pauleen, kukunin na po namin ang anak namin ni Bossing na si Tali. Halata naman kung kanino nagmana, ‘di ba?”

Hindi ‘yon pinalampas ng komedyana.

Never daw niyang tinawag na “ma’am” si Poleng.

Isa namang nagpanggap na Vic Sotto ang sumagot ng: “Ang corny ng joke mo, Pokwang! Si Willie (Revillame) lang ang natatawa sa’yo! Hindi ka papasa sa Eat Bulaga ko!”

Tinawag na mga demonyo ni Pokwang ang nag-imbento ng naturang fake news.

Pero mas matindi daw ang naniwala’t nag-share nito.

“Aanihin n’yo ang karma sa ginawa ninyo in 5, 4, 3, 2, 1!” saad ng post niya.

Alam ng lahat na dalawa lang ang anak ni Pokwang.

Ito’y si Mae by her ex-non-showbiz partner at si Malia na anak nila ni Lee O’Brian.

Wala namang reaksyon sina Bossing at Pauleen patungkol sa naturang fake news.

But knowing Bossing, idadaan lang niya ito sa komedya! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here