Home NATIONWIDE Jacinto, lumabas na ng PAR

Jacinto, lumabas na ng PAR

233
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakalabas na ng Philippine Area of ​​Responsibility (PAR) ang tropical depression Jacinto alas-5 ng hapon nitong Huwebes, Agosto 28.

Sa oras ng pag-alis nito, si Jacinto ay may lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kph.

Kumikilos ito pahilaga-hilagang-kanluran sa bilis na 10 kph.

Sa kabila ng paglabas ng PAR, ang extension o trough ng Jacinto ay patuloy na nakakaapekto sa ilang bahagi ng bansa.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Zambales, at Bataan.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ay maaring umiral sa natitirang bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon.

Pinapalakas din ng Jacinto ang habagat, na nagdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Kanlurang Visayas, Negros Island Region, Occidental Mindoro, at Palawan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay maaaring makaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated monsoon-induced rain showers o thunderstorms. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here