Home NATIONWIDE Paglathala ng DOTr sa pangalan ng violators, maaari pagkatapos ng due process...

Paglathala ng DOTr sa pangalan ng violators, maaari pagkatapos ng due process – CHR

326
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Commission on Human Rights (CHR) Chair Atty. Beda Epres nitong Huwebes na hindi magiging paglabag sa karapatang pantao ang plano ng Department of Transportation (DOTr) na ilathala ang mga pangalan ng mga violators kung susundin ng ahensya ang tamang proseso.

“If they went through the due process, meaning they were investigated, and sanctioned, and if the purpose is to publish the names [of traffic violators], then we [CHR] don’t see a problem” saad ni Epres.

“But if the only reason is to embarrass someone without going through due process, then maybe there is a violation of human rights,” dagdag niya.

Dahil dito, pinayuhan ni Epres na dapat iwasan ng DOTr ang “trial by publicity” at tiyaking mga guilty violators lang ang nailathala upang maiwasang madungisan ang pangalan ng mga posibleng inosenteng driver.

Inihayag ng DOTr nitong Martes na plano nitong simulan ang paglabas ng mga listahan ng ‘Huwag Tularan’, na maglalaman ng mga pangalan ng mga lumalabag sa batas trapiko, kasunod ng kamakailang mga paglabag na humantong sa pagbawi ng mga drivers’ license nito. Gayunpaman, nananatiling lihim ang pangalan ng mga nasabing driver na binawian ng lisensya.

Ipinaliwanag ng komisyoner ng CHR sa parehong panayam na dapat pa ring sumailalim sa imbestigasyon ang hindi pinangalanang driver. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here