Home HOME BANNER STORY VP Sara sa pagsibak kay Torre bilang PNP chief: ‘Di ko masabi...

VP Sara sa pagsibak kay Torre bilang PNP chief: ‘Di ko masabi kung karma ba o hindi

231
0

MANILA, Philippines – “Diyos lang naman kasi talaga ang makakapagsabi kung ano yung karapat-dapat para sa isang tao.”

Ito ang naging tugon ni Vice President Sara Duterte nang tanungin tungkol sa pagkasibak kay Police General Nicolas Torre III bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Matatandaan na si Torre ang naguna ng pag-aresto sa ama ng Bise Presidente na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, hindi siya sigurado kung matatawag ba na karma ang nangyari kay Torre.

“Hindi ko kasi masabi kung karma ba yun o hindi eh,” paliwanag ni Duterte.

Sa kabila nito, sinabi ni Duterte na ang nangyari kay Torre ay maaaring bahagi ng kanyang “life’s journey.”

“Sometimes nandoon ka sa taas, and then 85 days later, nandoon ka sa baba,” sinabi pa ng Bise Presidente.

Si Duterte ay kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands para bisitahin ang kanyang ama.

Bilang dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), pinangunahan ni Torre ang pag-aresto kay Duterte na nagresulta sa paglilipat dito sa International Criminal Court (ICC) noong Marso.

Ito rin ang nanguna sa paghuli sa ka-alyado ni Duterte na si self-appointed son of God at Kingdom of Jesus Christ founder, Apollo Quiboloy sa Davao City noong nakaraang taon dahil sa mga reklamo ng human trafficking at sexual exploitation of minors. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here