Home NATIONWIDE Pangamba ng publiko sa Chinese businessman na kasama sa PCG Auxiliary unit...

Pangamba ng publiko sa Chinese businessman na kasama sa PCG Auxiliary unit pinawi ng Malakanyang

312
0

MANILA, Philippines – PINAWI ng Malakanyang ang alalahanin ng pubiko ukol sa report na may Filipino-Chinese businessman ang kasama sa Philippine Coast Guard (PCG) Auxiliary unit.

Binigyang diin ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang ‘delisted personnel’ ay walang access sa maritime operations.

Tinukoy ang kalatas mula sa PCG, sinabi ni Castro sa press briefing sa Malakanyang na nagsagawa na ng agarang aksyon at imbestigasyon hinggil sa enlistment o pagpapatala ng mga Chinese nationals sa Coast Guard Auxiliary.

“Huwag pong mag-alala ang taumbayan dahil ang PCGA ay isang civil organization at kung sinuman po ang mapapasok dito kahit foreigner po, ito naman po ay paggawa lang naman ng pagtulong, pagbibigay ng relief, pagtulong sa PCG,” ani Castro.

“Pero wala po silang access sa anumang mga operasyon at hindi po sila sumasampa sa barko. At kung anuman ang operasyon ng PCG,” aniya pa rin.

Tiniyak din ni Castro sa publiko na ang PCG operations ay hindi makokompromiso, binigyang diin na ang auxiliary personnel ay mayroong limited access.

“Wala po silang maaaring malaman doon. ‘Yun naman daw po ang safeguards na siniguro ng PCG,” aniya pa rin. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here