Home NATIONWIDE Grupo ng mga Muslim nagkasa ng demonstrasyon sa harap ng SC

Grupo ng mga Muslim nagkasa ng demonstrasyon sa harap ng SC

315
0

MANILA, Philippines – Ilang grupo na binubuo ng mga Muslim ang nagsagawa ng demonstrasyon sa harap ng Korte Suprema upang idulog ang kanilang hinaing at pagsuporta sa gaganaping Bangsamoro Parliamentary Elections 2025.

Sinabi ni Atty. Lanang T. Ali, Jr, Member of the Parliament ng Bangsamoro Transition Authority na dapat itong matuloy sa darating na Oktubre.

Nagpahayag din ang grupo ng pagsuporta sa halalan upang maipakita ang boses ng mamamayan na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Kasabay ng kanilang demostrasyon ay naghain ng petisyon ang grupo upang hamunin kung naaayon sa konstitusyon ang napasabatas ng Bangsamoro Autonomy Act No. 77 o ang Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025.

Ayon kay Atty. Lanang T. Ali Jr, labag ito sa batas dahil sa ito’y ‘gerrymandering’ o pinagsama-sama ang mga distrito o munisipyo na aniya’y pabor sa interes ng iilan.

Ang kanilang demonstrasyon ay bilang pagtutul na rin sa naturang batas na anila ay ‘unconstitutional’. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here