Home ENTERTAINMENT Zoren, may reklamo kay Carmina!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Zoren, may reklamo kay Carmina!August 29, 2025 16:012590 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Daig pa ng adik na lulong sa droga ang pagkahumaling ni Carmina Villaroel sa panonood ng Korean drama.Sa libangang ito raw nauubos ang oras ng 50 anyos na aktres.Wala sanang problema ang pagkagumon ni Mina doon, ang kaso ay hindi na siya “mapakinabangan” ng asawang si Zoren Legaspi.Sobrang immersed ang aktres sa kanyang panonood na ang feeling ni Zoren ay para siyang walang kasama sa bahay.Ewan nga lang kung ito ang dahilan kung bakit muntik nang matukso ang actor-TV director na pumatol sa ibang babae.Sa isang guesting kasi nila, isiniwalat ni Carmina that her husband nearly fell into the trap.Inamin daw ito ni Zoren na noong una raw niyang usisain ay nahirapang umamin.But Zoren finally confessed to receiving private messages from younger girls na interesado sa kanya.Good thing, na-resist ‘yon ni Zoren.At least, masuwerte pa rin si Carmina! Ronnie Carrasco III