Home LIFESTYLE HEALTH DOH, nagbabala vs pagdepende lamang sa water devices para sa ligtas na...

DOH, nagbabala vs pagdepende lamang sa water devices para sa ligtas na inuming tubig

2
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pagdepende lamang sa water devices upang matiyak na ligtas ang inuming tubig sa gitna ng banta ng super El Niño.

Inirekomenda ng DOH na salain at iproseso muna ang maruming tubig na may halong putik upang maiwasan ang pagbabara ng filtration system at matiyak ang pagiging epektibo nito.

Ayon sa DOH, maaaring magsagawa ng paunang paglilinis kung mataas ang kontaminasyon ng tubig o may halong debris at iba pang dumi.

Ipinaliwanag din ng ahensya na nakadepende sa laki ng butas ng filter ang kakayahan nitong sumala ng dumi. Halimbawa, hindi kayang salain ng 0.1-micron filter ang mga partikulong mas maliit pa rito.

Pinayuhan din ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang local health offices para sa tamang paggamit ng chlorine tablets at tiyaking rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) ang mga ginagamit na water filter.

Maaaring tiyakin ang rehistro ng mga produkto sa https://verification.fda.gov.ph. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here