Home ENTERTAINMENT Julia at Gerald, cool-off?

Julia at Gerald, cool-off?

211
0

Manila, Philippines- Sinisikap pa ring kalkalin ni Ogie Diaz ang katotohanan sa likod ng tsinika ng kanyang source tungkol sa istado ng relasyon nina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Ayon kasi sa tipster ng talent manager cum content creator, nasa cool-oft stage daw ngayon ang magkasintahan.

“Totoo ba ‘yan?” pagbeberipika ni Ogie sa kanyang source.

As for Ogie, mahirap daw niyang paniwalaan ito.

Unang-una na nga’y magkasabay nagtatrabaho ang magnobyo.

Kapwa nasa Eat Bulaga ang dalawa–nasa studio ng TV5 si Julia habang nasa remote naman si Gerald.

Pangalawa, hanggang langit daw ang pagmamahal ni Julia sa nobyo.

Nang pigain ni Ogie ang kanyang source as to the reason for the cool-off ay meron daw third party involved.

Bagama’t hindi malinaw on whose side, may implikasyon na sa party ni Gerald ito.

Umugong ang balitang Julia and Gerald are going through some rough patch in their relationship dahil kapansin-pansin ang kawalan nila ng mga social media posts.

Pero assuming na may pinagdadaanan nga ang dalawa, dasal ni Ogie na sana’y maayos ng magnobyo kung anuman ‘yon. Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here