Home NATIONWIDE Breastfeeding center sa bawat barangay, ipinanukala ni Villar

Breastfeeding center sa bawat barangay, ipinanukala ni Villar

283
0

MANILA, Philippines – Naghain si Senadora Camille Villar ng “Barangay Breastfeeding Centers Act,” isang panukala na naglalalayong magtayo ng breastfeeding centers sa lahat ng barangay sa buong bansa para masuportahan ang mga nanay at matiyak din ang wastong nutrisyon ng mga sanggol.

“Breast milk ang pinaka-sapat para sa mga baby—nagbibigay ng kumpletong nutrisyon, nagsusuporta din sa mental health ng mga ina dahil nakakatulong sa pagpapababa ng postpartum depression; pero sa kabila niyan madami pa ding mga pamilyang Filipino na humaharap sa mga pagsubok sa breastfeeding,”
sabi ni Villar, ang pinakabatang senador ngayong 20th Congress.

“Sa pagtatayo ng mga breastfeeding centers sa bawat barangay, mapapabuti natin ang child survival, mapapagaan ang gastos ng mga magulang at makakabuo tayo ng mas maluspg na mga komunidad,” saad pa niya.

Bilang vice chairman ng Senate Committee on Health and Demography at miyembro ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, binigyang-diin niya na ang maternal at mental health ay dapat pangunahing prayoridad ng pamahalaan.

Ani ni Senadora Camille na isa ring ina, nakasaad sa panukala na inaatasan ang mga barangay breastfeeding center na mag-alok ng free guidance, access sa breastfeeding materials at information campaign bilang benepisyo nito. Ang mga health worker naman ay sasailaim sa regular na pagsasanay upang lalo pang mapabuti pa ang kanilang serbisyo.

Ayon sa Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO), 34 porsiyento lamang ng mga sanggol na Filipino na wala pang anim na buwan ang ‘exclusively breastfed – malayo sa global target na 60 porsiyento.
May mga pag-aaral din na ang breastfeeding o pagpapasuso ay nakakapagpababa sa mga ‘child deaths’ dahil sa napipigilan nito ang diarrhea at pneumonia habang ang mga ina namang nagpapasuso ay maaring mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng breast at ovarian cancer.

Layunin din ng panukala na palakasin ang benepisyo ng “Rooming-in and Breastfeeding Act of 1992”at “Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009.”

“As we mark National Breastfeeding Awareness Month this August, let us remember that supporting breastfeeding mothers is not just a personal choice but a shared community responsibility,” sabi pa ni Villar. #

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here