Home NATIONWIDE Goma pinalagan ng NUJP

Goma pinalagan ng NUJP

225
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) si Leyte 4th District Representative Richard Gomez matapos niyang ipost sa Facebook ang screenshots ng mga request ng mga mamamahayag para sa panig niya, kasama ang kanilang pangalan at numero, at tinawag itong bahagi ng “media spin” laban sa kanya.

“The requests give him a chance to address allegations… making them is part of journalists’ jobs,” ayon sa NUJP, na nagsabing posibleng lumabag sa data privacy ang post ni Gomez at nailantad ang mga mamamahayag sa pangha-harass.

Iginiit ni Gomez na may orchestrated at ginastusan umanong operasyon ng media para siraan siya kaugnay ng nasirang flood control project sa bayan ng Matag-ob.

Ayon kay House Deputy Speaker Ronaldo Puno, maaaring masampahan ng ethics complaint si Gomez dahil sa kanyang remarks, at binigyang-diin na tungkulin ng mga mambabatas na magpaliwanag imbes na mang-insulto. Dagdag naman ni House InfraComm Co-chair Terry Ridon, nasa media kung magsasampa sila ng reklamo, at posibleng may paglabag sa privacy.

Nakatakda ring magsagawa ng imbestigasyon ang House InfraComm sa mga proyektong pang-impraestruktura, kabilang ang flood control project sa distrito ni Gomez. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here