MANILA, Philippines – Dalawang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Linggo.
Ang isang LPA ay nasa 90 km silangan-hilagang silangan ng Daet, Camarines Norte, habang ang isa pa ay nasa 900 km silangan ng Eastern Visayas. Ayon sa PAGASA, maliit ang tsansang maging bagyo ang mga ito sa susunod na 24 oras.
Magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang trough ng LPA malapit sa Daet sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Quezon. Apektado rin ng habagat ang Metro Manila, MIMAROPA, CALABARZON, nalalabing bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.
Nagbabala ang PAGASA laban sa posibleng flash floods at landslides sa mga mababang lugar at kabundukan. RNT