Home HOME BANNER STORY Turistang Pinoy tigok sa Hong Kong Disneyland

Turistang Pinoy tigok sa Hong Kong Disneyland

311
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma  ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado ang pagkamatay ng isang Pilipinong turista sa Hong Kong.

Ayon sa ulat ng South China Morning Post, ang 53-anyos na lalaki na may dati nang karamdaman ay nawalan ng malay habang sakay ng isang ride sa Hong Kong Disneyland at kalauna’y pumanaw.

Sinabi ng DFA na nakipag-ugnayan na ang Consulate General sa Lantau Police at sa pamilya ng biktima upang ipaabot ang pakikiramay at tumulong sa pag-uwi ng mga labi.

Patuloy rin ang koordinasyon sa mga lokal na awtoridad habang nirerespeto ang pribadong panahon ng pamilya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here