MANILA, Philippines – Patay ang isang 9-anyos na bata matapos mahulog sa kanal at malunod sa Taytay, Rizal noong Miyerkoles.
Nahagip pa ng CCTV ang pagkahulog ng bata, at naging mahirap ang paghahanap dahil sa malakas na ulan. Kalaunan ay natagpuan siyang wala nang buhay, na positibong kinilala ng kanyang pamilya.
Makikita sa katawan ng biktima ang mga sugat na tinamo sa pagkahulog. Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamilya.
Nagpaalala ang mga awtoridad na iwasang lumusong sa baha kung hindi kinakailangan. RNT