Home NATIONWIDE Flexing ng ‘nepo babies’ sinita ni Cardinal David

Flexing ng ‘nepo babies’ sinita ni Cardinal David

340
0

MANILA, Philippines – Ikinalungkot ni Cardinal Pablo Virgilio David ang mga indibidwal, partikular na ang mga anak ng mga politiko, na binabalandra ang kanilang karangyaan habang marami sa kanilang kapwa ang nagugutom.

Ayon kay David sa kanyang homiliya noong Sabado para sa Feast of the Passion of St. John the Baptist, malaswa kapag ang mga anak ng mga pulitiko ay nag-post sa social media ng dinner bill na nagkakahalaga ng ₱760,000 para lamang sa apat na tao—isang halaga na kahit isang manggagawa ay hindi kayang kitain sa loob ng tatlong taon.

Dagdag pa ng Cardinal, ang mga tao ay naghihirap araw-araw para mapakain ang kanilang mga pamilya sa kabila ng back-breaking na trabaho kapalit ng kakarampot na sahod.

“When what should be shameful is shamelessly flaunted,” ani ng Cardinal.

Sinundan pa niya ito ng pagbibigay-diin na, “Malaswa kapag ang biglaang yaman mula sa katiwalian ay ipinarada bilang modelo ng tagumpay, kapag ang hindi nakuhang pakinabang ay ipinagdiriwang bilang katalinuhan.”

Ikinalungkot din ni Cardinal David kung paanong nakulong ang isang mahirap na ama na naglalaro ng maliit na gambling game, habang wala pang nakakasuhan sa umano’y anomalya sa pagbaha sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Tinapos ni David ang kanyang homiliya sa pamamagitan ng paghikayat sa mga mananampalataya: “We must allow ourselves to be shocked and sickened by such obscenity so that we may be shaken awake, so that we may recover our sense of dignity, decency, and humanity in a society corroded by corruption.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here