Home NATIONWIDE Korapsyon sa infra projects, kinondena ni Go

Korapsyon sa infra projects, kinondena ni Go

244
0

MANILA, Philippines – Mariing kinondena ni Senator Christopher “Bong” Go ang katiwalian sa mga proyektong imprastruktura, na tinawag niyang pagtataksil sa tiwala ng taumbayan at kawalan ng katarungan sa mga Pilipino.

Sa turnover ng Super Health Center sa Isulan, Sultan Kudarat, binigyang-diin ni Go ang malaking agwat sa pondo ng kalusugan kumpara sa imprastruktura.

“Kung ‘yung pondo, tingnan n’yo po ang pondo ngayon ng DOH (Department of Health) ay one-third lang po sa pondo ng DPWH (Department of Public Works and Highways),” giit niya,.

“Kaya masakit malaman na mistulang ginagawang gatasan po yung iilang mga proyekto. Bastusan po ‘yan. Hindi lang po sa mga Pilipino kundi pati sa mga pasyente na nangangailangan po ng tulong sa hospital dahil sa kahirapan,” dagdag pa ni Go.

Ang pahayag ng senador ay sa gitna ng mainit na usapin ukol sa mga ghost at substandard flood control projects. Ayon kay Go, ipagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig sa Lunes upang papanagutin ang mga sangkot.

“Ang PhilHealth po para sa health ‘yan, hindi naman po negosyo ‘yan. Ibalik n’yo po ‘yung kaltas sa sweldo ng taumbayan. Buwis namin ito na binabayad po natin. Ginagamit ang subsidy ng PhilHealth, kaltas sa sweldo natin. Dapat po ‘yung mapakinabangan ng taong bayan ‘yan,” aniya pa.

Kaya sabi ko, tututukan ko po bilang chairman ng Committee on Health sa Senado, tututukan ko po ang PhilHealth at ang health ng bawat Pilipino. At ako naman po ay patuloy na tututok sa kalusugan ng bawat Pilipino sa abot po ng aking makakaya.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here