Home NATIONWIDE Security analyst: ‘Sleeper agents’ ng Tsina posibleng makaimpluwensya sa 2028 PH poll

Security analyst: ‘Sleeper agents’ ng Tsina posibleng makaimpluwensya sa 2028 PH poll

249
0

MANILA, Philippines – NAGBABALA ang isang security analyst sa posibleng impluwensiya ng mga Chinese “sleeper agents” sa Pilipinas na maaaring makaapekto sa 2028 presidential elections at sa posisyon ng bansa sa West Philippine Sea dispute.

Ayon kay Chester Cabalza, pangulo ng think tank na International Development and Security Cooperation, “the Philippines’ openness and democratic system makes it vulnerable to infiltration.” Aniya, ang mga banyagang operatiba ay maaaring dumating sa iba’t ibang anyo at mahirap makilala mula sa mga lokal.

“They look like us. What I can say is, they are all over our country,” wika ni Cabalza, sabay dagdag na ang mga ahente ay may kakayahang mag-penetrate sa political institutions at infrastructures at pinag-aaralan ang pulitika ng Pilipinas bilang “strategic foresight” para sa halalan sa 2028.

Sinabi ng National Security Council (NSC) na “actively monitoring” ito sa mga ulat hinggil sa sleeper agents. Dagdag pa ni Cabalza, ang mga ito ay nangangalap ng intelligence na may “strategic implications” para sa West Philippine Sea, kung saan nananatili ang tensiyon ng Maynila at Beijing.

Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala si dating senador Panfilo “Ping” Lacson kaugnay ng mga pinaghihinalaang miyembro ng People’s Liberation Army na naaresto sa Palawan, Makati, Dumaguete, at maging malapit sa Camp Aguinaldo, Comelec office sa Maynila at Malacañang.

Samantala, sinabi ni Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea, na nakikipag-ugnayan na ang Armed Forces sa mga law enforcement agency upang matugis ang mga banyagang sangkot sa espionage o paniniktik. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here