Home NATIONWIDE Pagtatanggol sa press freedom pinagtibay ng PTFoMS

Pagtatanggol sa press freedom pinagtibay ng PTFoMS

230
0

MANILA, Philippines – Muling pinagtibay ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pangako nitong pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga mamamahayag sa pagdiriwang ng National Press Freedom Day noong Agosto 30.

“Under the leadership of President Ferdinand R. Marcos Jr., we reaffirm our steadfast commitment to this mission,” pahayag ng PTFoMS. “Defending press freedom is not solely the responsibility of the government; it is a shared duty… We must stand united to ensure that a free and vibrant press remains the bedrock of our democracy.”

Ayon sa task force, nakapagtala ng mahalagang progreso ang administrasyong Marcos, kabilang ang pag-angat ng press freedom index, kawalan ng media-related killings sa nakalipas na taon, at mabilis na pagtugon sa mga kaso ng harassment laban sa media.

Gayunman, kinilala ng PTFoMS ang mga bagong banta tulad ng online harassment, disinformation, at undue influence mula sa makapangyarihang grupo. Para tugunan ito, ipinatutupad ang mga programa gaya ng Philippine National Police’s Media Vanguards Program, katuwang ang Commission on Human Rights, Public Attorney’s Office, at mga international partners.

Kasama rin sa estratehiya ang pagsasanay at capacity-building upang bigyan ng kaalaman at kasanayan ang mga mamamahayag sa pagbabago ng media landscape.

Binigyang-diin ng PTFoMS ang pangangailangan para sa media organizations na patuloy na pairalin ang mataas na pamantayan ng etika, integridad, at katapatan sa pagbabalita.

Ipinagdiriwang taun-taon ang National Press Freedom Day tuwing Agosto 30 bilang paggunita sa kaarawan ni Marcelo H. Del Pilar, kinikilalang Ama ng Philippine Journalism. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here