Home NATIONWIDE Caloocan City Medical Center, tumanggap ng Hall of Fame Award mula sa...

Caloocan City Medical Center, tumanggap ng Hall of Fame Award mula sa DOH

341
0

MANILA, Philippines – Kabilang ang Caloocan City Medical Center (CCMC) sa 35 ospital na pinarangalan ng Department of Health (DOH) ng Hall of Fame Award sa ilalim ng Mother-Baby Friendly Hospital Initiative (MBFHI), bilang pagkilala sa mahusay nitong pagpapatupad ng breastfeeding policy at early rooming-in.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na iginawad ng DOH ang Hall of Fame status, na ibinibigay sa mga ospital na matagumpay na nakapasa sa tatlong magkakasunod na accreditation kada tatlong taon.

Binati ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang CCMC at tiniyak na patuloy na palalakasin ng pamahalaang lungsod ang mga pasilidad at serbisyo sa kalusugan.

“Ang pagkilala sa CCMC bilang isa sa mga Hall of Famers ng DOH ay patunay lang ng pagkilos ng pamahalaang lungsod para tiyakin ang kalusugan ng mga mamamayan mula sa sinapupunan hanggang pagtanda,” pahayag ni Mayor Malapitan.

Dagdag pa niya, “Mas palalakasin pa natin ang mga serbisyo at dadagdagan ang world-class facilities ng ating mga ospital at community health centers nang sa gayon ay mabawasan ang alalahanin ng mga Batang Kankaloo sa kalusugan ng kanilang mga pamilya.” Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here