Home NATIONWIDE DPWH bumuo ng komite kontra korapsyon

DPWH bumuo ng komite kontra korapsyon

303
0

MANILA, Philippines – Bumuo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Committee upang imbestigahan ang mga anomalya sa flood control projects, kasunod ng pagbabalasa sa ilang opisyal ng ahensya.

Batay sa Department Order No. 166 na nilagdaan ni Secretary Manuel Bonoan noong Agosto 28, may kapangyarihan ang komite na magsagawa ng imbestigasyon laban sa mga opisyal at empleyado ng DPWH na sangkot sa katiwalian. Magtatatag din ng Technical Working Group at secretariat na tutulong sa panel, kabilang ang pag-inspeksyon sa mga proyekto at pagkuha ng mahahalagang dokumento mula sa mga tanggapan ng ahensya.

Sa pahayag ni Bonoan, iginiit niyang hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng korupsiyon.
“Tatanggapin ko ang accountability pero tandaan po ninyo, hindi ko po papayagan ang anumang uri ng korapsyon na nangyayari,” aniya.

Dagdag pa ng kalihim, kailangang managot at makulong ang mga sangkot sa katiwalian sa DPWH. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here