Home NATIONWIDE 2 todas sa ‘flesh-eating bacteria’ mula sa hilaw na talaba

2 todas sa ‘flesh-eating bacteria’ mula sa hilaw na talaba

272
0

ISTANBUL — Dalawang katao sa Louisiana, USA ang nasawi matapos mahawa ng flesh-eating bacteria na nakuha umano sa pagkain ng kontaminadong hilaw na talaba, iniulat ng NBC News nitong weekend.

Kinumpirma ang pagkamatay ng mga biktima sa pulong ng Louisiana Oyster Task Force, na tinalakay ang mga kaso ng sakit na may kaugnayan sa pagkain ng talaba. Isa sa mga biktima ay residente ng Louisiana habang ang isa ay mula sa ibang estado.

Tinukoy ng health officials ang sanhi na Vibrio vulnificus, isang uri ng bakterya na natural na matatagpuan sa maiinit na katubigan at mas laganap mula Mayo hanggang Oktubre. Maaari itong magdulot ng matinding karamdaman kapag nakain sa hilaw o hindi lutong seafood, o kapag pumasok sa sugat na nababad sa tubig dagat.

Bukod sa dalawang kasong ito, iniulat din ng Louisiana Health Department ang dalawa pang pagkamatay ngayong taon dahil sa parehong bakterya. Mayroon nang 22 na naospital, karamihan ay dulot ng sugat na na-expose sa tubig dagat.

Samantala, tumaas din ang bilang ng kaso sa Florida kung saan nakapagtala ng 23 Vibrio vulnificus infections ngayong taon, kabilang ang limang pagkamatay. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here