Home HOME BANNER STORY Bonoan nag-resign; Dizon bagong DPWH chief

Bonoan nag-resign; Dizon bagong DPWH chief

289
0

MANILA, Philippines — Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan at itinalaga si Transportation Secretary Vince Dizon bilang kapalit, ayon sa anunsiyo ng Malacañang nitong Linggo.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. has accepted the resignation of Public Works and Highways Secretary Manuel M. Bonoan effective 1 September 2025,” ayon sa pahayag ng Palasyo.

Binigyan ng Pangulo si Dizon ng tungkulin na magsagawa ng “full organizational sweep” sa DPWH upang matiyak na ang pondo ng bayan ay magagamit lamang para sa mga proyektong pang-imprastruktura.

Ang hakbang na ito ay kasabay ng mga imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects ng ahensya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here