Home NATIONWIDE 14-anyos na bata umamin na nagsimula ng forest fire sa Portugal —...

14-anyos na bata umamin na nagsimula ng forest fire sa Portugal — pulisya

284
0

BAKU — Inamin ng isang 14-anyos na binatilyo sa Portugal na siya ang nagsimula ng ilang sunog sa kagubatan matapos umanong maapektuhan ng mababang performance sa paaralan at suliraning panlipunan, ayon sa pulisya nitong Biyernes.

Batay sa ulat ng Polícia Judiciária, umamin ang bata na nagpunta siya gamit ang kaniyang scooter sa mga kagubatan sa Seidões, Ardegão, at Arnozela, at doon nagsindi ng apoy gamit ang posporo.

Naniniwala ang mga imbestigador na ginawa niya ito dahil sa “galit at frustration,” ngunit hindi pa isinasantabi ang posibilidad na may kagrupo siya.

Isinumite na ng Braga Judicial Police ang kaso sa Tanggapan ng Piskal para i-refer sa Family and Children’s Court.

Inumpisahan ang imbestigasyon matapos magsimula ang magkakasunod na sunog sa parehong lugar. Ayon sa Lusa news agency, umabot na sa 52 katao ang naaresto sa buong bansa hanggang Agosto 20 dahil sa kasong arson, karamihan ngayong buwan.

Samantala, iniulat ng emergency services na may 97 sunog pa ring nasusunog nitong Biyernes ng umaga, ngunit karamihan ay kontrolado na. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here