Home ENTERTAINMENT Gladys, may paliwanag sa pagpirma sa Star Magic!

Gladys, may paliwanag sa pagpirma sa Star Magic!

267
0

Manila, Philippines — Upon the death of Lolit Solis, in search nga ba si Gladys Reyes ng taong magma-manage ng kanyang showbiz career?

Mismong ang aktres na rin ang naglinaw sa espekulasyong naghahanap siya ng bagong manager.

“Hindi!” mabilis niyang sagot.

Aniya, si Lolit ang kanyang last manager, dahil ito raw ang nag-advise sa kanya na magkontrabida.

Kung hindi raw niya sinunod ang career advice na ’yon, hindi siya makikilala bilang Primera Kontrabida.

Ngayon, Star Magic na ang may hawak kay Gladys.

Ito rin ang nangangalaga sa career ng kanyang anak na si Christophe Sommereaux.

Mismong ang Star Magic daw ang naglatag ng mga plano para sa kanya.

Paniniyak ni Gladys: “Ang maganda kasi dito, puwede akong magtrabaho sa kahit saang network,” referring to Kapuso, Kapatid, and Kapamilya.

“Lalo ngayon na uso ang collab. Kumbaga, puwedeng ang itawag sa akin, eh, ‘Katrabaho’!” saad niya.

Ikinagulat ang pagpirma ni Gladys sa Star Magic, lalo’t may ongoing afternoon serye siya sa GMA — ang Cruz vs. Cruz kasama si Vina Morales.

So there.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here