Home METRO 3 utas sa engkwentro sa Laguna

3 utas sa engkwentro sa Laguna

350
0

LAGUNA, Philippines – Patay sa engkuwentro ang isang gunman matapos nitong pagbabarilin ang dalawang katao, kabilang ang umaawat lang sa Barangay Labas, Sta Rosa City.

Kinilala ni PLTCOL Benson Pimentel hepe ng Sta Rosa City Police Station ang mga biktima na kaagad na binawian ng buhay sa pinangyarihan ng krimen, dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo at ibang parte ng katawan mula sa kalibre 38 na sina alyas Dexter at Victor, kapwa nasa hustong gulang at naninirahan sa nabanggit na lungsod.

Samantalang, dead on arrival ang suspek sa Sta Rosa Community Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan na nakilalang si alyas Nestor, nasa hustong gulang, residente ng lungsod ng Sta Rosa, Laguna.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Sta Rosa City Police Station dakong alas – 8:00 ng umaga, ang biktima na sa alyas Victor ay nakatayo lamang nang makita umano ni alyas Dexter na aatakihin ito ng suspek na si alyas Nestor; mabilis na inawat ni alyas Dexter ang suspek kaya’t pinaputukan ito ng suspek sa ulo na agarang kinasawa nito.

Napag-alaman na nagtangka umanong tumakas ni alyas Victor subalit hinabol ito ng suspek at pinagbabaril na kagad din nitong ikinamatay sa pinangyarihan ng krimen.

Samantalang, mabilis na nakaresponde ang mga pulis ng Sta Rosa City Police Station sa nasabing pinangyarihan ng krimen kung saan inabutan pa ang suspek na armado ng kalibre 38 revolver at pinaputukan pa umano ang mga awtoridad kaya  humantong sa engkuwentro na ikinasawi ng suspek.

“Nakakalungkot man ang insidenteng ito ng pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong indibidwal kasama na dito ang suspek; kami sa Laguna PNP ay nakikiramay sa mga naulila ng mga bikrima at suspek. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita din ng husay at bilis ng mga kapulisan na rumesponde sa ganitong uri ng insidente, kaya binabati ko ang kapulisan ng Sta Rosa City sa kanilang agarang aksyon na ito,” saad ni PCol Jomar Yupio. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here