Home TOP STORIES Pagkamatay ni Gaza chief Mohammed Sinwar, kinumpirma ng Hamas

Pagkamatay ni Gaza chief Mohammed Sinwar, kinumpirma ng Hamas

293
0

JERUSALEM – Kinumpirma ng Hamas noong Linggo ang pagkamatay ni Mohammed Sinwar, isang pinuno sa Gaza, mahigit tatlong buwan matapos sabihin ng Israel na pinatay ito sa isang air strike.

Ang mga larawan na inilabas ng Palestinian Islamist group noong Sabado ay nagpapakita kay Mohammed Sinwar kasama ang iba pang mga pinuno ng pulitika at militar.

Si Mohammed Sinwar ay ang nakababatang kapatid ni Yahya Sinwar, na inakusahan ng Israel na may pakana sa pag-atake noong Oktubre 7, 2023 sa Israel na nagbunsod sa patuloy na digmaan dito.

Pinamunuan umano niya ang konseho ng militar ng Al-Qassam Brigades matapos ang pagkamatay ni commander Mohammed Deif.

Nakita ang bangkay ni Mohammed Sinwar noong Hunyo sa isang tunnel sa ilalim ng European Hospital sa Khan Yunis, central Gaza.

Ang pag-atake ng Hamas noong Oktubre 2023 sa katimugang Israel ay nagresulta sa pagkamatay ng 1,219 katao, karamihan ay mga sibilyan.

Sa 251 hostages na nahuli sa pag-atake, 47 ay nakakulong pa rin sa Gaza, humigit-kumulang 20 sa kanila ay pinaniniwalaang buhay.

Ang retaliatory offensive ng Israel ay pumatay ng hindi bababa sa 63,371 Palestinians, karamihan sa kanila ay mga sibilyan, ayon sa mga numero mula sa health ministry sa Gaza. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here